Spotlight Hindi ito mangyayari sa Wallach
Spotlight Wallach International
Photo: iStock

Hindi ito mangyayari sa Wallach

Pumasok ang isang biyahero sa Vietnam nang may maling visa at nagkaroon ng malalang mga problema paalis rito. Mayroon dapat siyang Wallach International travel insurance

November 19, 2018 6:37 PM (UTC+8)

“Kung hindi ka mandaragat (sailor),” tinanong ulit ng Vietnamese na immigration officer, sa hindi katatasang French na mas maayos pa ring pananalita kaysa sa akin, “bakit ka may visa ng isang mandaragat?” Ako’y nasa isang military immigration office sa central Hanoi. Ngayon ko lang napag-alamang wala pala akong valid na visa. Wala akong ticket palabas ng bansa. Wala akong travel insurance upang tumulong sa akin. At ngayo’y wala na akong passport. Iyon ay nasa istriktong lalaki na sa likod ng grill. Tinanong niya ulit.

“Kung hindi ka nga mandaragat, bakit ka mayroong visa ng isang mandaragat?”

Sa huling araw, maraming mga tao – iba’t ibang mga Vietnamese na nakasuot ng iba’t ibang mga uniporme – ang nagtanong kung totoo nga bang ako’y isang mandaragat. Hindi nga ako ganoon.

Ngunit ngayon ay mukha nga akong mayroong visa ng isang mandaragat at ngayon ay nahihirapan na akong subukang ipaliwanag kung paano ito nangyari. Ibinigay ang visa sa akin ng ibang klaseng
Vietnamese immigration officer. Sa sobrang kalasingan nitong Vietnamese na immigration officer, halos hindi na ito makaupo sa kaniyang upuan.

Hindi na natatawa ang Vietnamese immigration officer na nasa harap ko. Maliwanag na hindi talaga siya naniniwala sa kwento ko.

Mga 48 na oras na ang nakalilipas, nakalapag na ako sa bansa. Sumakay ako sa isang cruise ship na mula sa Hong Kong patungong Halong Bay ng Vietnam. Isang araw munang titigil ang barko sa isang kilalang magandang tourist attraction bago ito magpatuloy sa dalampasigan ng Vietnam at muling babalik sa timog karagatan ng China. Ngunit nang bilhin ko ang ticket ko, sinabi kong nais kong bumaba sa Halong Bay, maglakbay nangmag-isa patungong Hanoi, at sumakay sa isang nakabibighaning tren na pinangalanang “Reunification Express” patungong China.

“Magandang ideya yan”, sabi ng isang babae na nagbenta sa akin ng ticket. Ang problema, kapag ako’y nakasakay na sa barko, at ito’y patungo na ng Vietnam, sinabi ng mga crew na imposible ang aking
plano. Masyadong istrikto ang batas ng Vietnamese immigration at hinding hindi ito papayagan. Kailangan kong umalis sa Vietnam gamit ang barkong aking sinakyan. Ngunit ipinilit ko pa rin, at ako’y
nakaabala. Sa sobrang pagiging abala, gusto na akong layasan ng crew. Kaya nang kami’y nakarating sa katubigan ng Vietnam, inihatid ako sa boardroom ng barko at doon, nakita ko ang nasa 20 o higit pang mga Vietnamese immigration officer, lahat suot ang kanilang olive green na mga uniporme, kumpletong mayroon ring mga red star sa kanilang mga lapel, na nakaupo paikot sa isang malaking lamesa na nagtatak ng daan-daan, kung hindi libu-libong mga passport na pinagmamay-ari ng mga turistang patungo sa isang araw na trip sa Halong Bay.

Sinabi ng mga crew ng barko sa akin na regular na nila itong gawain. Umalis ang mga opisyales mula sa barko gamit ang isang lantsa pagkasikat na pagkasikat ng araw at ginamit na ang mga sumunod na oras upang magtatak ng mga passport. At upang maayos nilang matapos ang paulit-ulit na gawain na ito, humihingi sila ng almusal sa barko; na mayroong kasamang alak, na bote-boteng mga brandy.

Naglakad ako sa gitna ng nakabibighaning eksenang ito at magalak akong tinawag ng isang lalaking mukhang boss ng mga tagatatak ng mga passport at sineniyasan akong umupo sa tabi niya. Tinagayan
niya ako ng brandy – nakalipas na ang 7:30am, kaya ko tinanggap – at tinanong kung tagasaan ba ako at kung anong soccer team ang aking sinusuportahan. At kami’y nag-inom, nag-asaran tungkol sa soccer, at
lubos na nagtawanan. At, matapos ng mga ilang saglit, nagtanong ako sa kaniya kung ayos lang bang makihingi ng visa na hahayaang ako’y makapaglakbay nang mag-isa patungong Vietnam.

Itinuring niya ang tanong na tila ito’y nakakabagot na pormalidad nang may pawaga-wagayway pa ng mga braso na may kasama pang dalawang malaking tagay ng brandy, at siya’y naghalughog sa kaniyang
malaking itim na maleta.

Humugot ang aking bagong kaibigan ng nakakabibilib na dambuhalang makinarya kung saan binigyan niya ako ng napakaganda at malaking visa stamp. Ayos ‘to ah, naisip ko, habang tinitingnan namin ang
kaniyang ginawa. Nagtawanan pa kami, nagkamayan na tila pang mga naghihiwalay na magkapatid at umalis na ako paalis sa mga nag-aalmusal na mga immigration officer at patungo sa isang naghihintay na lantsa na makapagdadala sa akin sa Vietnam.

Ako’y nasasabik sa aking paglalakbay. At dapat lamang. Sa hindi ko inaasahan, binigyan pala ako ng Vietnamese military visa ng aking kainuman na kaibigan. Kasali na pala ako sa navy.

Narinig kong iniba na nila iyon, ngunit mayroong kakaibang batas ang Vietnam na nagsasabing kailangan ring umalis ng mga bisita ng bansa mula sa kanilang pinasukan. Kung nais mo itong ibahin, kailangan mo
itong gawin sa kung saan ka dumaong. Nalaman ko ito nang sinubukan kong bumili ng ticket ng tren sa Hanoi train station patungong China. “Isa ka bang mandaragat?”, tinanong ng nagtatakang ticket clerk
matapos niyang tingnan ang aking passport. Napailing na lamang siya. Masyado akong nagyabang at hindi ko pinansin ang kung ano mang bagay na sinusubukan niyang sabihin sa akin.

“Sige na”, sabi ko, “ibenta mo na lang sa akin ang ticket ko”. Ako’y tumawa-tawa, ngumiti-ngiti, at sinubukang magmukang nag-aalala, at kung ano-ano pa. “Hindi”, ang kaniyang paulit-ulit na sinasabi
bago niya ako ituro sa isang maliit na police office sa istasyon. At hindi na kagulat-gulat ang itinanong sa akin ng pulis doon.

“Hindi nga,” ang sabi ko habang tinitingnan niya muli ang aking passport at sabay baling sa akin ng tingin nang tila pinagsususpetsyahan na ako. Nang sinabi niya sa akin na magtungo sa main tourist immigration office ng lungsod, umalis na ako nang walang reklamo. Ngunit habang ako’y naglalakbay sakay sa likod ng isang kaskaserong magmanehong motorsiklong taxi na nagsumisingit sa masikip na daanan ng lungsod, ako’y nagaalala na. Ano bang nangyayari?

Mukhang malapit ko nang malaman.

“Saan mo ito nakuha?”, mahinahon ngunit nag-aalalang sinabi ng isang binatang lalaki sa likod ng tourist immigration counter. Tiningnan niya muli ang bagong tatak na pahina. “Hindi pa ako nakakakita ng ganitong klaseng tatak”, sinabi niya habang napapailing. Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari, ang barko, ang bago kong kaibigan – at mas umiling pa lalo siya. Medyo nadismaya pa nga siya sa kwento ko sa tungkol sa brandy.

Mayroong awtoridad ang kanilang office, para sa bayad na pang-admin, upang ibahin ang mga exit stamp na ipinaliwanag niya ngunit sabi niya, “hinding hindi namin hahawakan ang ganitong klaseng kaso”. At ibinigay niya sa akin ang address ng military immigration.

Tulad ng inaasahan, masyadong istrikto at siryoso ang gusali ng military immigration. At inabot lamang ng mga minuto upang magkaroon ng kaguluhan.

Ang aking Reunification Express tren patungong China ay lingguhan lang palang serbisyo at nakatakda na itong umalis kinabukasan. Kaya sinimulan ko nang ikuwento ang aking istorya sa military immigration officer at magalang na sinabing sigurado akong kailangan kong ibahin ang aking visa bago umalis ang aking tren kinabukasan. Hindi na niya ako pinatapos at sinabing imposible akong magkaroon ng ganitong
visa kung hindi nga ako isang mandaragat.

“Bakit ka mayroong visa ng isang mandaragat?”, tinanong niya. Oo, nag-aalala na ako.

Sinabi niya sa akin, nang blangko ang mukha, na kinakailangan kong bumalik sa Halong Bay naval customs office, 150 kilomotro ang layo, upang maresolba ito.

Anong ginawa ko?

Napamura na lang ako sa kaniya. Hindi naman malakas. Tutal, sobrang hina. Sa sobrang hina na inakala ko ring hindi niya ito narinig. At sa wikang English, na nilinaw na rin niya na hindi niya ito naintindihan.  Ngunit narinig ito ng isa pang Vietnamese immigration officer. At hawak niya ang passport ko. At mayroon siyang salitang ‘military’ sa kaniyang titulo ng trabaho.

Muli niyang sinabi. “Kung hindi ka mandaragat, bakit ka nga mayroong visa ng isang mandaragat?” At ngayo’y isa na itong demanda. Humingi ako ng patawad, at mukha na akong takot – dahil natatakot nga ako – at sinabi ko sa kaniyang bigyan ako ng mga ilang oras. At nagmadali ako aking nakapagligtas sa civilian immigration at nagsabi akong sulatan niya ako ng isang liham. Nagbuntong-hininga na lamang
siya. Nakiusap na ako sa kaniya na sulatan niya ako ng isang liham. At ginawa naman niya. Ipinagsulat niya ako ng napakainam na liham.

Ito’y dalawang pahinang na nasa wikang Vietnamese at mayroong malaking opisyal na tatak sa may bandang ilalim ng mga pahina. Gusto ko na siyang halikan. Malinaw na ayaw niya akong halikan. Kaya nagtungo na muli ako sa isang military immigration.

“Anong oras ang tren mo bukas?”, tinanong ng parehong immigration officer na nasa likod ng malaking grill matapos niyang basahin ang aking liham. “Sa tanghali”, sabi ko, “ngunit kailangan kong bilhin ang
aking ticket isang oras na mas maaga dahil isa itong international service.”

“Bumalik ka rito bukas ng alas-11 ng umaga.” Siyempre, halos imposible na akong makaabot sa aking tren at sinubukan kong magreklamo, ngunit napatahimik ako ng kaniyang masamang tingin. Kaya
nagpunta ako kinabukasan, ngunit ng alas-9 ng umaga, at tahimik akong umupo sa isang matigas na bangkong kahoy at naghintay. Noong mga 10:45am na, tinawag niya ako sa counter, at ibinigay na sa
akin ang passport ko nang hindi nagsalita. Hindi ko na ito tiningnan pa at nagtungo na ako sa istasyon. At mga alas-11, nasa kamay ko na ang ticket sa Reunification Express ng araw na iyon.

Ang biyahe ng tren, na mabagal na kumakalampag sa daan patungo sa mabundok na hilaga ng Vietnam, ay tunay na nakabibighani. Narating ito sa border ng alas-3 ng madaling araw, at Vietnam bilang Vietnam, kailangang bumaba ng lahat ng pasahero at pumasok sa immigration. Tiningnan ng opisyales ang aking passport at tumigil sa pahina. Bago pa niya itanong, sinabi ko nang, “Hindi, hindi ako mandaragat”.

Tiningnan ako ng opisyales, sabay tingin sa passport ko, at balik ng tingin sa akin. At itinuro na niya ako patungong China.

Hindi ito mangyayari sa Wallach.

Wallach and Company. Naghahandog ng Insurance sa mga International Travelers sa loob ng Higit sa 30 Taon.

Naghahandog ang Wallach International ng short- o kaya naman ay long-term na medical insurance, medical evacuation at international assistance. Pumili na rito ng Wallach medical insurance plan.

continue reading